Kayumangging kaligatan. 'Yan ang kulay ng mayumi at magandang dalagang Pilipina. Hindi maputi, hindi maitim. Morena. Kayumanggi si Maria Clara na minahal ni Crisostomo Ibarra at pinagnasaan ng Kastilaloy na si Padre Salvi (Noli Me Tangere).
Para sa mga banyagang puti, nakahahalina ang kayumangging Pilipina. Patok na patok ang morenang Pinay at hinahabol at pinipilahan pag dumayo sila sa Amerika at Europa. Kaya nga siguro ang mga Amerikana ay medyo kwidaw kung bibisita ang mga esposo o nobyo nila sa 'Pinas. Sila naman ang nagpupumilit na maging kayumanggi. Nagbibilad sila sa araw. Kung hindi sila makapunta sa tabing-dagat upang magpakasunog ng balat, ginagawa nila ito sa loob ng bahay. Mayroon silang tinatawag na tanning lamp at tanning lotion.
Kung bakit ang binatang Pinoy, ang hinahangaan at sinusuyo ay 'yung mga maputi ang balat. 'Tisay ang syota ko,' buong pagmamalaki nilang isisigaw upang marinig ng buong kapuluan. Marahil, nais din nilang maging maputi and kanilang magiging anak. O tingin nila ay puputi din sila sa pamamagitan ng prosesong osmosis.
Walang duda, impluwensya ito ng westernization. The Americanization of the Pinoy, wika nga. Salamat sa Hollywood, sinamba natin si Elizabeth Taylor, Ava Gardner, Rita Hayworth, Natalie Wood. Nagpatuloy ang ganitong idolatry sa henerasyon nila Drew Barrymore, Nicole Kidman, Jennifer Aniston, Scarlet Johanssen, at marami pang iba.
Dahil dito, ang naging batayan ng kagandahan ay ang nakakasilaw na balat, matarik na ilong, at bughaw o lavender o paiba-ibang kulay na mga mata. Chameleon eyes ang tawag dito. Dati-rati, hanggang buntong-hininga na lang at wishful thinking ang mga Pinay. Ngunit hindi na ngayon. Lahat 'yan magagawan ng paraan ng isang babaeng desididong magmukhang tisay at may pambili ng kaputian. May nose job dyan, blue contact lenses doon, at higit sa lahat mga skin whitening products na naglipana doon, dito, at kung saan-saan.
Napansin ninyo ba? Wala nang kayumanggi ngayon sa atin. O nababawasan na. Malapit na bang maglaho ang ganitong kulay ng balat sa ating bansa?
Mabiling-mabili ang papaya whitening soap. Hindi mo mabilang ang mga brand. Likas Papaya, Silka, Extract, Mestiza. Oo, mestiza! Maraming kompanya ang naglabas ng kanilang whitening line -- Eskinol, Godiva, Block and White, Olay, Ponds, Belo at Gluta. Hindi lang sabon -- may losyon din at krema. Mayroon pa daw skin whitening placenta -- kaya daw pumuti ang balat ng dating morenang beauty queen na si Melanie Marquez.
(to read more of my article, click on this link)
Imo kayumanggi is the best.Kinaiingitan tayo ng ibang lahi at gusto tayung gayahin.
ReplyDelete-proud to be pinoy