Uy kamusta ka na? Grabe isang taon ka nang hindi nagpakita! Wish ko lang ganun lang kadali yun eh no. Parang facebook o text message lang sa isang kaibigan—“hoy isang taon ka nang hindi nagpakita sa’min!” sabay magre-reply ka, “busy lang, promise dinner tayo soon, kelan kayo puwede?”
Isang taon. Hindi ako makapaniwala na isang taon lang ang nakakaraan, bandang alas-kuwatro ng umaga, nag-flat yung life line at binawian ka na ng buhay. At ilang oras bago noon, mga bago mag-12 midnight, sinabi ng duktor sa magulang mo na 'yun na, wala nang pagasa. Kasi nung bago nung oras na yun, umaasa pa kaming lahat eh. Ayan tuloy naiiyak nako. Sorry na. Alam ko ayaw mo na'ko umiyak, at masaya ka na diyan. Masakit lang kasi talaga mawalan ng kaibigan at alam mo ‘to, na kaunti lang ang mga kaibigan ko. At kahit na nawalan ako ng oras sa'yo dati at nagkaroon tayo ng mga pagkakatampo, ikaw pa din at wala nang iba yung number one na kaibigan ko. Sa'yo ko lang kaya magpaka-totoo. Sayo ko lang kinuwento lahat-lahat, tungkol sa pamilya ko, sa lovelife ko, insecurities, sa mga pangarap, mga kagagahan ko. Ikaw lang yung talagang nakakaintindi sa'kin.
Minsan, pag nalulungkot ako, inaalala ko yung boses mo pag tumatawag ka sa bahay, habang may nginunguya ka pa, tas bubungangaan mo muna ko, sabay kakamustahin. O yung pang-aasar mo sa’kin ng mataba o pikon. Namimiss ko 'yun eh. Lahat yun. Pati yung pang-iisa mo sakin sa taxi fare at sa pamasahe. Tiudy, tingin ko hindi ako makaka-recover ever sa pagkawala mo. I don’t think I ever will. Minsan lang may dumating na ganoong klaseng friendship sa buhay ng tao…at hindi yun napapalitan o nahihilom ng panahon, ng tao, lugar, bagay, o ala-ala. Thankful pa din ako na nakilala kita at nakasama ng maraming taon. Okay na ‘yun. Nagpapasalamat na’ko ng sobra-sobra kay Lord nu’n.
Salamat Tiudy sa pagiging kaibigan sa akin…alam ko wala tayo masyadong common traits pero for some reason, hinatak mo’ko nung grade 3 at muli, noong 1st year highschool, at simula noon, naging bestfriends na tayo. Dati-rati nagiisip pako, diba dapat ang magkaibigan magkapareho ng ugali, ng hilig? Pero hindi pala. Mahal mo 'yun tao despite everything, kaibigan mo siya at tinatanggap ang lahat-lahat sa kanya. 'Period. 'Yan ang natutunan ko sayo, kaya salamat talaga…Grabe isang taon na Tiuds, may konsepto ba ng taon, minuto, segundo diyan? Tingin ko wala, feeling ko endless yung oras…. Oh well malalaman ko din kapag panahon ko na, 'pag panahon na din natin magkita’t maglunch at icecream diyan sa Taas at chumika nang chumika nang walang sawa…
-Alina